Naalimpungatan siya ng mag-ring ang telepono niya. Napatingin siya sa labas. Umaga na pala. Wala ang asawa niya sa tabi. Hinigit niya ang telepono. Pangalan ni Ezekiel ang nakarehistro. Nilapag niya ulit iyon at hinayaang tumunog. Bakit ba ito tumatawag? Para itanong kung umalis siya? Huminga siya ng malalim bago bumaba ng kama. Kumuha siya ng towel at roba saka pumasok ng banyo. Pagkatapos maligo at magbihis ay dumerecho siya sa kusina para sana magluto. Pero may lutong pagkain ng nakahain. May pagkaing niluto nga ang asawa, wala naman ang nagluto. Napa-tsk pa siya bago kumuha ng pinggan. Mabilis lang din siya kumain at tumambay sa sala. Anong gagawin niya sa condo ng asawa? Magmuni-muni? Hangga't-maari ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano sana. Pakiramdam niya malapit na siyang