KABANATA 24: PROBLEMADO akong muli. Pangatlong araw na ito na hindi ako makatulog. Pabiling-biling ako sa kama. Hindi mawala sa isip ko iyong nangyari buong araw. Natagpuan ko na lang na nangingiti ang sarili na parang tanga. Kung patuloy ako na ganito. Palagi akong puyat hindi malabong mangingitim ang ilalim ng aking mga mata. Pinilit ko pa ring matulog agad pero bigo ako. Magu-umaga na ng nakatulog ako. Mabuti na lang off ko ulit kaya walang problema. Deja Vu? Ganito ang nangyari sa akin noong nakaraan. Off ko din noon. Pero imbes na mamasyal. Pinili kong dumalaw sa musuleo ni Mama. Paglabas ko pa lang ay nasa sala na si Daniel nakaupo at nanunuod ng movie. Nagulat pa ko dahil bago iyon sa aking paningin. Hindi ko tuloy alam kung paano siya ia-approach. Bigla akong nailang. Sanay ka