KABANATA 30: HINDI ko na alam paano nairaos ang awkward dinner na iyon. Pero isa lang ang masasabi ko. Ayoko ng umulit, ayoko ng mapunta sa ganoong klaseng arrangement. It was a long awkward, and silent dinner for me. Halata ang hindi pagiging komportable ni Billy sa nangyari. Hindi ko nga malunok ng maayos ang aking kinakain. Hiyang-hiya ako sa kinalabasan ng muli naming pagkikita ni Billy. Halata ang pagka-aburido sa mukha ni Daniel at hindi man lang siya nahiya na nakisama na nga lang siya sa amin pero siya pa itong mukhang badtrip sa hindi naming malamang dahilan. Hindi niya masyado ginalaw ang pagkain. Drinks ang pinagtuunan nito ng pansin. Humingi ako ng paumanhin sa kay Billy ng sinabayan ko ito sa pagbaba sa sasakyan. Inantay ko muna matapos si Kuya Jose sa pagdiskarga ng bagahe