KABANATA 39: NADALA ako sa init ng mga halik niya. Nawala ako sa sarili at kahit na may sikat ng araw ay nakuha kong tumugon sa mga halik ni Daniel. Kung hindi pa kami nahampas ng malakas na alon ay hindi kami titigil. Humiwalay ako at napasubsob sa kanyang dibdib. Abot-abot ang aking hininga at tila nasa alapaap pa habang yakap niya ng mahigpit. Kung ako lang malamang nasa pampang na ako. Nagpatianod sa hampas ng alon. Dahil sa totoo lang hinang-hina ako. Ang mga tuhod ko parang bibigay. Ang lakas ng t***k ng aking puso. Hindi ko siya matignan sa mga mata. Inaatake ako ng hiya. Alam kong mahahalata niya na sing pula ng kamatis ang aking magkabilang pisngi kung titignan ko siya. Nanatili kami doon. Magkayakap. No one dares to talk. Pinapakiramdam