Elliza POV Sa mga nagdaan na araw ay mas lalo akong natatakot pero hindi ko pinahahalata sa kanila, alam kong natatakot din sila pero hindi rin nila pinapahalata kasi ayaw nilang makita nila na pinapanghinaan na sila ng loob Sa mga araw na iyon ay wala kaming ginawa kundi magtraining para manalo sa digmaan na iyon Ngayon nga ang araw ng pinakamalaking digmaan na magaganap dito sa mundong ito, nakahanda na kaming lahat at iniintay nalang namin ang mga kalaban na sumugod Alam nyo ba kung bakit hindi kami ang nasugod? Kasi hanggang ngayon ay umaasa parin kami na hindi matuloy ang digmaan kahit alam namin na konti lang ang pagasang mangyari ito Marami kaming mga nagbabantay dito yung ibang studyante ay nasa himpapawid at lumilipad, sila ang magsasabi sa amin kung nandiyan na ang mga kalab