Elliza POV Napahiwalay agad ako sa kanya ng nakarinig ako ng palakpakan kaya agad akong napatingin sa paligid at narealize ko na ang dami na palang nakatingin sa amin Hala! Nakagawa na kami ng eksena pinagtitinginan na kami!! "Tsk mga panira"narinig kong sabi ni Dark kaya kahit namumula ako ay tiningnan ko sya ng masama saka ko sya kinurot sa tagiliran "Aaaarrrrraaayyyyy" "Ikaw naman ang may kasalanan ah"bulong ko sa kanila "Oo na joke lang naman yon eh"tinanggal ko na ang pagkakakurot ko sa kanya Nagteleport ako pabalik sa pwesto namin kanina at iniwan ko si Dark don, nakakahiya ang daming nakakita Pero ang saya saya ko ngayon kasi kami na ni Dark kahit hindi sya nanligaw, kasi naman hindi naman yata yon marunong manligaw "Bakit mo naman ako iniwanan don"napatingin ako kay Dark