✰Celebrity Chapter#54✰ " Be my Girl " Hallelujah jusmeyo marimar! Bakit ba kailangan pang dito sila matulog? shet di tuloy ako makalabas labas nakakaasar naman oh! Nagugutom pa naman ako anong gagawin ko? Bahala na si batman makababa na nga lang. Pagbaba ko sa hagdan sakto nagsisipuntahan sila sa garden, so anong meron? bukas ko na nga lang sila tanungin! Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng pagkain, wala gutom talaga ako anong oras na oh 11 ! Jusmiyo lipas na lipas na ang pag kain ko mapapagalitan ako ni manager nito! " Gutom na gutom ah " Anak ng palaka naman talaga oo, sa sobrang gulat ko nabulunan ako! Agad naman nya akong binigyan ng tubig at ininom ko " Ang totoo may balak ka bang patayin ako? " poker face kong tanong na nanggigigil " Pano kita papatayin ikaw ang buhay ko? "