Kabanata XXXV: Goodbye |Maria| HINDI ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman. Pero nag-uumapaw ang saya ko nang marinig ang boses na iyon. "Maria!" muling tawag niya sa pangalan ko, kasabay nang pagtilapon ng nakasaradong pintuan. Halos mapahagulgol ako ng makumpirma kung sino ang pumasok. Ang asawa ko. "L-Lucas..." umiiyak na sambit ko sa pangalan niya. Agad na nagtama ang tingin namin. I saw how happy he was. Pero ng makita nito ang sitwasyon ko at kung sino ang nakapaibabaw sa akin ay mabilis na nagdilim ang mukha nito. Susugod na sana siya ng bigla akong hinatak ni Leon at ngayon ay hawak-hawak na niya ako sa leeg habang nasa kama kaming dalawa. I became his hostage as we faced Lucas. Tumambad sa kanya ang halos h***d kong katawan. Nagulat si Lucas doon. Nilakbay nito ang tin