Kabanata XXIV: Voltaire |Maria| MABILIS akong lumabas ng kuwarto matapos ko 'yong marinig sa aking isipan. I immediately went down at napahinto sa pagbaba ng hagdan ng makita ko sa bulwagan si Lucas. Nakatayo ito sa gitna, napapalibutan ng mga tauhan nito na gapos-gapos ang iibang kasambahay at mga tagabantay. He's wearing a grey button down shirt, a black pants and shoes. Napalunok ako habang mariin siyang nakatitig sa akin. Nakita ko kung paano kumuyom ang kamay nito. Dahan-dahan itong naglakad patungo sa akin. Hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung bakit. My heart is beating so fast na aakalain mong lalabas na iyon sa aking dibdib. Tanging tunog ng paghakbang nito ang naririnig sa buong bulwagan. Lahat nakatitig sa bawat kilos na ginagawa niya, maybe they're afraid to him, maybe n