Kabanata 28: Declare |Lucas| 'OKAY. Bye.' Paalam niya bago tuluyang naputol ang koneksyon naming dalawa. Nagpakawala ako ng malalim na hininga ng dahil doon. As much as I wanted to talk to her longer, hindi na pwede. Nagnakaw lang ako ng oras para makausap siya. 'Tapos na?' tanong ni Baron sa akin ng mapansin tumahimik ako. Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga. 'Yeah.' tipid na tugon ko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo. Kasalukuyan kaming patungo sa Council Manse. Nakatirik ang gusali sa timog bahagi ng Red Brooke. Dito ginaganap ang bawat pagpupulong ng mga Alpha ng bawat bayan. At ngayon, lahat ng Alpha ay naroroon. Even Leon and Anton are there. Kumuyom ang kamao ko ng maisip kong bakit may pagpupulong na magaganap. I was summoned to attend because the council wanted to confi