Chapter 35 After 4 years... "Diana please pagbigyan mo na ako?" "Tigilan mo nga ako Cindy. Matagal tagal na akong walang practice sa pagkanta kaya hindi kita masasalo sa gig mong iyan" Naka-ipit ang cellphone ni Diana sa kanyang leeg at tenga habang ang dalawang kamay niya ay naghahalo ng pansit. Hands on kasi siya sa kanilang mini restaurant ni tiya Naty. Nakapag-ipon siya sa Canada ng dalawang taon bilang isang private nurse ng isang matandang babae kaya naman pag-uwi niya sa Pilipinas ay naisipan nilang mag-tayo ng negosyo ng kanyang tiyahin Lumalago na kahit papaano ang negosyo nila. Pansit bihon ang main dish ng kanilang restaurant na talaga namang binabalik-balikan ng mga tao. Mahilig kasi silang magluto ng tiyahin niya. Nasa dugo na yata nila ang pagiging cook. Ito naman kasi