Chapter 25 "She needs pain medicines and antibiotics. I recommend Photodynamic therapy, Immunotherapy and Targeted therapy. Iyon muna sa ngayon ang magagawa ko para sa pasyente" Nakatingin lamang si Diana sa kaibigang doctor ni Liam James habang kausap nito ang nobyo niya Hangang ngayon kasi ay lutang parin siya sa bilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalain na malalaman ni Liam James ang tungkol sa kanyang kapatid. Wala naman siyang balak humingi ng tulong kay Liam dahil ayaw niyang makadagdag pa sa problema nito. Ayaw rin niyang isipin nito na mapagsamantala siyang tao "Thanks Lance" Pasasalamat ni Liam James sa kaibigan nitong doctor. Kasing edad lang halos nito ang gwapong doctor na siyang gagamot sa kanyang kapatid. Ito raw ang pinakamagaling na doctor na maaaring makatulong sa