Chapter 31 "C'mmon baby nagugutom na ako" "Saglit lang Liam James! I'm looking for my lipstick!" Nagmamadali na siyang maghanap ng kanyang paboritong red lipstick mula sa drawer dahil nagkalat doon ang kanyang ibat-ibang kulay ng lipstick. Sa tuwing aalis kasi siya ay pakiramdam niya kulang ang kanyang ganda kung hindi siya nakapaglagay ng paborito niyang red lipstick. Para bang napuputlaan siya sa kanyang labi kahit mamula-mula naman iyon talaga. Marahil ay nasanay lamang siyang mayroong lipstick sa tuwing siya ay may pupuntahan Inaya kasi siya ni Liam James na kumain ng lunch sa St.Hubert restaurant bago ito pumasok sa opisina nito. Alam niyang magandang restaurant iyon at mga mayayamang tao ang kadalasang kumakain roon. Hindi na kasi nakapasok si Liam James sa trabaho nito kanina