Chapter 39 "Ate last song na natin yon. Salamat nakaraos rin tayo. Tara na ate sabay na tayo umuwi" Pagyaya sakanya ni Pamela pagkatapos nilang kumanta ng huling song number nila para sa birthday ni Sia Valdez. Dumiretso agad sila sa backstage upang kunin ang kanilang mga hand bags at iba pang gamit ni Pamela "A-Ah sige mauna kana Pamela. May kikitain kasi akong kaibigan mamaya dito ko na daw siya hintayin" Sinubukan niyang huwag mapansin ni Pamela na may itinatago siya. Ayaw niyang malaman nitong makikipagkita siya kay Liam James mamaya pagkatapos ng event dahil baka isumbong pa siya nito kay Cindy. "Ganon ba ate? Osige mauna na ako sayo ate kapag binigay na ni miss Sia ang TF natin eeskapo na ako ha? Ayoko kasing gabihin sa daan" "Oo mag-iingat ka Pamela." Sabay silang napatingin