Chapter 16 Masayang nag-kakainan ang mga bisita ni Kevin sa bungalo resort house na pagmamayari ng mga ito. Marami-rami rin ang mga bisita nito kaya hindi maiwasan ni Diana at Rico ang ma-out of place ng kaunti. Halos magkakamag-anak at magkakaibigan kasi ang mga bisita ni Kevin at sila lamang ni Rico ang outsider sa mga iyon Hindi rin sila gaano naaasikaso nila Nanie at Kevin dahil busy ang mga ito sa pag-entertain sa mga kamag-anak at kaibigan ng mga ito Samantalang hindi niya pa muli nakikita si Liam James simula ng kamuntikan na silang sagasaan nito ng jetski na sinasakyan nito kanina. "Kanina mo pa hinahanap yung lalake mo no Diana?" Bulong ni Rico sakanya na may tonong panunukso Sinimangutan niya ito at nagkunwari nalang siyang busy sa kanyang kinakain. Pork liempo iyon at jav