Chapter 19 "Tiya Naty, merry christmas po" Pagkatapos magmano at magbigay galang ni Diana sa kanyang nag-iisang tiyahin ay niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi Kakarating lang nito sa hospital ngayong gabi upang ito naman ang magbantay sa kapatid niya. Ito kasi ang taga bantay ni Arley sa tuwing nagdedelihensya siya ng pera sa maynila Tapos na silang kumain ng dinner ni Arley, nag order lamang siya ng paborito nitong fast food at tinirahan talaga niya si Tiya naty ng pagkain nito "Maligayang pasko Diana." Bati rin sakanya ng kanyang tiyahin. Matandang dalaga ito at nag-iisa na rin sa buhay. Ito lamang ang nag iisang kapatid ng nanay niya. Kaya simula ng maulila silang dalawa ni Arley ay ito na ang tumayong magulang nila Hindi sila pinabayaan ng kanilang tiyahin. Nagka