Chapter 28 "Yo Liam!" Masayang sinalubong ni Dr.Lance Steford si Liam James pagkarating niya sa loob ng Davin's Bar. Napangiti rin siya at agad na nakipag-fist bump kay Dr.Lance. Kasama na nito ang iba sa mga kaibigan nila at ang iba naman ay may mga kasama pang nobya Alas-onse na iyon ng gabi at humabol lamang siya sa birthday celebration ng doctor na kaibigan niya. Ayaw na sana niyang pumunta sa bar na iyon dahil nag-eenjoy na sila ni Diana sa condo unit nito. Naka-dalawang round lang tuloy siya ngayong gabi sa nobya niya. Madalas kasi ay tatlong round ang ginagawa nila bago sila matulog ni Diana. Ngunit nakatangap siya ng tawag kay Dr.Lance at inaaya siya nitong mag-punta sa Davin's bar. Very classy at sosyal rin ang naturang bar na iyon na kalaban ng sikat na bar na pagmamay-ari