Chapter 5

2157 Words
Chapter 5 "Daddy.." "Anak what's wrong?" Iniligpit agad ni Liam James ang librong binabasa niya ng pumasok si Lenard sa loob ng kanyang kwarto. His two year old son. Hawak pa nito ang teddy bear nito kasunod ang yaya nito Nagtaka siya kung bakit umiiyak ang anak niya. Napapakamot naman sa ulo ang yaya nito na para bang namomoblema Agad na tumakbot ang anak niya palapit sakanya at doon ito umiyak ng malakas "Daddy.." Hagulgol ng batang lalake sakanya "Shh anak what's wrong?" Tanong niya muli kay Lenard. Matalino ang kanyang anak kahit dalawang taon palang ito ay nakakausap na nila ito ng maayos Saturday ngayon kaya naman maaga siyang nagbabasa ng mga educational books na madalas niyang gawin tuwing sabado. Mag aalas otso palang ng umaga kaya naman nagulat siya sa anak niya kung bakit ang aga nitong umiiyak Usually kasi ay alas-diyes na ng umaga nagigising si Lenard "Yaya ano pong nangyari?" Bagkus ay tanong niya sa yaya ni Lenard. Si aling betty. Matagal na itong naninilbihan sakanila. Kahit sikwenta anyos na ito ay mabilis parin itong kumilos Hinahagod niya ang likod ni Lenard habang nakayakap parin itong umiiyak sa balikat niya. Nakaluhod siya sa sahig para lamang mayakap ito. "S-Sir Liam kasi po.. Kagabi po.." Hindi halos masabi ng katulong ang dahilan kung bakit umiiyak ang anak niya "Tell me yaya what happened? Bakit umiiyak si Lenard?" Seryosong tanong niya "S-Si ma'am Nathalie po kasi.. Nakita po ni Lenard may kahalikang ibang lalake sa kwarto po ninyo. Nagulat po siguro ang bata kaya umiyak po kagabi kaso po nagalit si ma'am Nathalie Sir. Pinalo niya po si Lenard kagabi kaya ho yung bata nakatulog na lang po dahil sa pag-iyak kagabi" Mahabang kwento ni aling betty sakanya Naikuyom niya ang kanyang kamao dahil sa kanyang narinig. Talagang sumosobra na ang asawa niya! Dinala pa talaga nito ang lalake nito kagabi sa bahay nila. Kaya naman pala sa ibang bahay nanaman ito natulog kagabi dahil kasama siguro nitong umalis ang lalake nito "Daddy mommy is bad" Paghagulgol pa ng anak niya na para bang natatakot pa ito "Shhh anak don't cry. Akong bahala sa mommy mo okay?" Parang nadudurog ang puso ni Liam dahil sa nakikita niyang naaapektuhan ang kanilang anak Pagkatapos niyang pakalmahin ang anak niya ay ipinasyal niya ito sa mall at ibinili ng mga laruan. Masayang masaya ang anak niya sa tuwing ipinapasyal niya ito sa mall. Nag bobonding silang mag-ama kahit wala si Nathalie. Mas gusto pa nga yata ng anak niya na wala ang mommy nito dahil pag nariyan si Nathalie ay palagi lamang itong tahimik. Ngunit pag silang dalawa lang ay malakas itong tumawa at halatang masayang masaya. Nang mapagod na si Lenard sa paglalaro at pamamasyal nila ay hinatid na muna niya ito sa mansyon bago siya nag punta sa kinaroroonan ni Nathalie Ofcourse alam niya ang bahay ng kabit nito at kung saan ito madalas natutulog sa tuwing hindi ito natutulog sa kwarto nila Galit na galit siya habang nagmamaneho siya. Sumosobra na talaga ang asawa niya. Kahit mayroong door bell ang condo unit na pinuntahan niya ay mas pinili niyang kalampagin ang pintuan "Damn it! Open the door Nathalie!" Galit niyang sigaw sa labas ng pintuan ng condo unit ng kabit ni Nathalie Wala pang ilang segundo ng pagbuksan siya ng pinto ng isang lalake. Nakatapis lang ito ng tuwalya at mukhang bagong ligo pa "Wala si Nathalie dito--" Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ng lalake at agad niya itong sinuntok sa pagmumukha nito. Sa sobrang galit kasi niya sa ginawa ng mga ito sakanyang anak. Ang kakapal ng mukha ng mga ito na ipakita pa sa anak niya ang pagkakasala ng mga ito Sapul niya siguro ang sensetibong ugat sa mukha ng lalakeng kabit ni Nathalie kaya agad itong natumba sa sahig at nakatulog Ganoon talaga siya kalakas sumuntok. Isang suntok lang niya ay paniguradong tulog agad ang taong iyon Napatili naman si Nathalie sa bandang kwarto ng condo na iyon ng makita nitong bumulagta sa sahig ang kabit nito "Liam! Anong ginawa mo?!" Tili ng babae habang nakahawak ito sa kumot na nagtatakip sa kahubaran nito Nilapitan niya agad ito at agad niyang hinawakan ng mahigpit ang braso nito. Sa tinagal tagal na nitong nang-gagago sakanya ay ito palang ang unang beses na nagalit siya dito Nagagalit siya dahil naapektuhan ang kanilang anak "Damn you! Bakit mo dinala sa pamamahay ko yang kabit mo? At bakit mo sinaktan si Lenard?!" Sigaw niya sa pagmumukha ni Nathalie Nandidiri siya sa kanyang asawa dahil magulong magulo pa ang buhok nito. Naka-kalat rin ang lipstick nito na para bang nilantakan ng sampung demonyo "A-Ano ba Liam! Nasasaktan ako! W-Wala kaming ginagawang masama ni Richard--" Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito "Hindi yan ang tinatanong ko! I don't care about your affair! Ayoko lang nadadamay ang anak ko. Sa susunod na pagbuhatan mo ng kamay ang anak ko hindi na ako magdadalawang isip na saktan ka!" Binitawan niya ang braso nito na namumula na sa sobrang higpit ng kanyang pagkakahawak Paniguradong magkakapasa ito sa braso nito dahil sa sobrang galit niya "Damn you Liam! Damn you!" Sigaw pa ni Nathalie sakanya Sadyang matapang at walang isip ang asawa niya. Hindi nga rin niya alam kung bakit nagtitiis pa siyang pakisamahan ito sa kabila ng mga kalokohan nito Napasuntok siya sa kanyang manibela. Galit na galit kasi siya kay Nathalie sa ginagawa nito. Sumosobra na ito dahil hindi na nito iniisip ang anak nila Kinagabihan ay nagpakalasing sila nila Kevin sa bar na pagmamay-ari ng kuya Zacarry niya. Tatlo silang nag-iinuman sa tuwing may problema siya "Damn her! Siraulo talaga yang asawa mo na yan" May pait sa boses ni Kevin ng lagukin nito ang alak mula sa bote nito "Wala naman akong paki-alam sakanila ng kabit niya. Ang sakin lang sana huwag naman nilang ipakita kay Lenard. Kawawa naman yung bata eh" Naiinis na kwento pa niya sa kuya Zacarry niya at kay Kevin. Napansin kasi ng kuya Zacarry niya kanina ang paglalasing niya sa loob ng bar nito. Agad nitong tinawagan si Kevin para damayan siya. At dahil lasing na siya ay nakwento na niya tuloy ng buo ang ginagawa ni Nathalie sakanilang dalawa ng anak niya Tahimik lang ang kuya Zacarry niya habang nakikinig ito sakanya. Ngunit mayat'maya napapatiim bagang ito sa sobrang galit na rin sa malanding asawa niya Pasimpleng pinunasan ni Kevin ang gilid ng mata nito. Naiiyak ang lokoloko dahil sa problema niya kay Nathalie. Hindi naman siya naiiyak dahil mas lamang ang galit niya "Makipaghiwalay kana kasi sa babaeng yan Liam. Lalo lang masasaktan ang anak niyo kung ganyan na ang ginagawa ng asawa mo" Naiiyak na sambit ni Kevin sakanya Saksi kasi si Kevin sa lahat ng kahayupang ginagawa ni Nathalie sakanya noon pa man. Mahal siya ng kaibigan niya kaya mas affected pa ito kaysa sakanya "Kung ako lang masusunod matagal nakong nakipaghiwalay sakanya. Pero may anak kami hindi pwedeng paghihiwalay agad ang solusyon na iisipin ko. I need to think for my son" Seryosong sabi niya bago siya lumagok ng tequila mula sa bote nito Mapait iyon ngunit hindi mapagtakpan ang pait na nararamdaman niya Napabuntong hininga nalang si Zacarry at Kevin dahil hindi naman mabago ng mga ito ang isip niya Kapatid niya si Zacarry. Silang dalawa ang anak ni Miguel Hoffman. Dalawang taon lang ang tanda nito sakanya ngunit para lang silang magkaedad kung magturingan. Nagpakalasing silang tatlo hangang sa malasing siya ng husto Hinatid lang siya ng kuya Zacarry niya sa kanilang mansyon dahil hindi naman ito masyadong lasing Nagising siya ng madaling araw. Masakit parin ang kanyang ulo dahil sa kalasingan niya kanina bago siya nakatulog. Hinahaplos ni Nathalie ang kanyang mukha kaya naman nagising siya "Liam sorry.." Hingi nito ng tawad sa nagawa nito sakanya Ganito ito palagi sa tuwing nagkakasala ito sakanya Hindi niya ito pinansin. Sa totoo lang wala na siyang pag-ibig na nararamdaman para sa asawa niya. Inubos na nito ang kaunting pagmamahal niya dahil sa paulit ulit nitong pagkakasala "P-Promise hindi ko na sasaktan si Lenard. I'm so sorry Liam.." "Kay Lenard ka mag sorry. Natatakot siya sayo" Seryosong sabi niya bago siya bumangon sa kanilang king size bed upang tumungo sa banyo. Ayaw niya kasing nilalambing siya ni Nathalie dahil nandidiri siya "Liam sorry.." Napahinto si Liam sa paglalakad ng yakapin siya ni Nathalie sa kanyang likuran Huminga siya ng malalim. Ayaw na niya ng gulo at drama sa pagitan nila kaya madalas niya itong patawarin "Wala na iyon. Basta huwag mo ng sasaktan ang anak ko" "Promise hindi ko na siya sasaktan. Pero maniwala ka sakin walang nangyari samin ni Richard. Magkaibigan lang talaga kami" "Okay" Labas sa ilong na sagot niya Dahil ang asawa niya ay palagi siyang ginagawang tanga. Ang akala nito naniniwala talaga siya sa mga palusot at paliwanag nito Ngunit ang hindi nito alam ay ayaw lamang niyang pahabain pa ang drama nito. "O-Okay na tayo Liam?" Tumango nalang siya "Thank you Liam. Akala ko hihiwalayan mo na ako eh." Mas humigpit ang yakap nito sakanya Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang babaeng ito? Labis na ang galit na nararamdaman niya para kay Nathalie. "Matulog kana. May nakalimutan ako sa office kailangan kong pumunta doon" Nagtaka ito sa sinabi niya. Alas dos palang ng madaling araw kaya bakit siya aalis ng ganoong oras? "H-Ha? Bakit hindi mo ipagpabukas nalang? Matulog nalang tayo--" "I need to go.." Kinalas niya ang pagkakayakap ni Nathalie sakanya bago siya pumasok papunta sa banyo. Nag shower agad siya at napagdesisyonan niyang puntahan si Diana sa pinagtatrabahuhan nitong club. Wala ng nagawa si Nathalie kundi hayaan siyang umalis ng oras na iyon. Pagkalabas niya sa kanilang kwarto ay agad nitong tinawagan ang kabit nito. Nagpasundo agad ito sa lalake nito at doon nanaman ito nakitulog. "Wala talagang kwenta" Napapailing na sambit ni Liam habang tanaw niya ang kotse ng kabit ni Nathalie na sinusundo ang asawa niya Napag-isipan niya kasing maghintay ng ilang minuto kung tama ba ang hinala niyang susunduin ito ng kabit nito dahil umalis siya Naghintay siya sa parking lot at kitang kita niya ang magandang ngiti ni Nathalie sa kabit nito bago ito nakipaghalikan pa sa kotse ng lalake "This is too much.." Napagdesisyonan ni Liam na makipaglaro nalang rin kay Nathalie at sabayan ang kalokohan nito Kung ganitong laro ang gusto ng asawa niya ay pagbibigyan niya. Napapangiti tuloy siya ng maisip niyang magiging masaya siguro si Diana dahil papayag na siyang maging kabit ito Napahawak pa siya sa kanyang labi habang nagmamaneho siya papunta sa club na pinagtatrabahuhan ni Diana. Naalala niya kasi bigla ang panghahalik nito sakanya Nagsarili pa nga siya nung isang gabi pagkagaling niya sa club na iyon. Sobrang sexy naman kasi ng dalaga at talagang apektado siya ng alindog nito Sa dalawang beses nilang pagkikita ni Diana ay dalawang beses na rin siyang nagsasarili sa shower dahil sa babaeng iyon Might as well na pagbigyan na niya ang sarili niyang kaligayahan kung willing naman itong paligayahin siya Masyado na siya stress sa asawa niya kaya kailangan na siguro niyang magpakasaya rin. Napangiti siya ng sagutin agad ni Diana ang cellphone nito "Hello?" Maganda ang boses ng dalaga kahit sa cellphone kaya naman nakaramdam siya ng pananabik "Nasa work ka?" Tanong niya na may halong paglalambing "L-Liam James?" Tila nagulat ito dahil siya ang kausap nito. Ngayon lang kasi niya tinawagan ang numero nito "Yeah. May iba ka pa bang hinihintay na tawag?" Biro niya "Oh! Napatawag ka?? Ikaw ha namiss mo ako ano? Papayag kana ba?" Sunod sunod na tanong nito "Yeah. Nasa work ka ba?" Ilang segundo itong hindi nakakibo "Still there?" Tanong niya "L-Liam. Ibig sabihin pumapayag kanang maging jowa ko?" Natawa siya sa sinabi ni Diana. "Parang ganon na nga" Natatawang sagot nalang niya Nakakatuwa naman ang babaeng ito. Kapag nga naiisip niya ito kahit gaano siya kabadtrip ay napapangiti siya nito "Oh! S-Sabi ko na papayag ka rin eh! Don't worry gagalingan ko" Napalunok siya sa sinabi nito at nakaramdam ng matinding pananabik Halos isang taon na rin siyang hindi nakakatikim ng s*x. Simula kasi ng mang lalake si Nathalie ay hindi na siya muling nakipagsex sa asawa niya Nasasabik tuloy siya ngayong gabi na makatikim muli ng s*x "Let see kung magaling ka talaga" Dinaan nalang niya sa biro ang pananabik niya Narinig niyang napabungisngis ito kaya napapangiti tuloy siya "Hintayin kita Liam James maaga akong mag out ngayon" "Okay. I'll be there in 15 minutes" Dumaan muna siya sa isang convinience store na naka-open 24/7 upang bumili ng energy drink at condoms "Sir mukhang may laban kayo ha?" Nakangiting biro ng cashier na lalake sakanya kaya napangiti nalang siya Limang box kasi ng condoms ang binili niya. Mas mabuti ng sobra kaysa kulangin siya. Nagmamaneho palang siya papunta sa club na kinaroroonan ni Diana ay naninigas na ang pagkalalake niya Ganoon pala ang pakiramdam ng nasasabik ng husto
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD