Chapter 41 Diana POV Napakagat labi siya ng marinig niya ang mariin na pagbanta ni Liam James kay Harley na huwag nitong susubukan dahil hindi raw nito magugustuhan ang gagawin ni Liam James Hindi naman siya tanga para hindi magets kung ano ang nais ipahiwatig ni Liam James kay Harley. Lalo pa't sinabi sakanya ni Harley kanina na naki-usap lamang daw si Liam James dito na isama siya sa party na iyon Nakaramdam pa nga siya ng kilig kanina dahil binubuko ni Harley ang pinsan nito Alam na pala ni Harley ngayon na siya ang babaeng minahal noon ni Liam James kaya't hindi naman daw ito tutol kung may relasyon sila Napaka-kunsintidor rin ng mga pinsan ni Liam James ano? Palibhasa mga babaero. Todo tangi siya na may relasyon sila ni Liam James dahil wala naman talaga. Nais lang siya nitong