Chapter 23 "Damn it. Nasan ka ba Diana" Mahinang napamura si Liam dahil tatlong linggo na niyang hindi nakikita at nakakausap man lang si Diana. Halos maibato na niya ang kanyang cellphone sa sobrang inis niya Ang buong akala niya pa naman ay araw araw na niya itong makakasama simula ng maging nobya niya ito. Hindi naman sila nag-away noong huli silang magkita. Sa katunayan nga ay napakasaya pa nilang dalawa noong huli niya itong makasama. Ano kayang dahilan nito at bigla nalang itong hindi nagpakita sakanya? Halos araw araw nga siyang pabalik balik sa apartment nito ngunit tatlong linggo na itong hindi umuuwi roon. Nasaan kaya ito? Hindi niya maiwasan mag-alala para sa dalaga. Sana naman ay walang masamang nangyari dito Pinapahanap na rin niya ito sa mga private investigators ngu