Chapter 49 "O Tumatawag yung honey mo" Nagkakandahaba ang nguso ni Diana ng mabasa niya ang caller's name sa screen ng cellphone ni Liam James. Kalalabas lang nito sa bathroom dahil nauna siyang naligo. Pinaliguan niya kasi si Limar kaya sumabay na rin siya sa pagligo ng anak niya. Medyo nagtampo pa nga si Liam dahil hindi daw nila ito isinali. Natawa nalang siya. Paano niya ito isasali sa pagligo nila ni Limar? Nakanganga pa ito kanina at halatang pagod na pagod Palibhasa pinagod siya nito magdamag. Ang akala niya wala ng mangyayari sakanila dahil naka-score naman ito sakanya kagabi pagkatapos nilang maghugas ng pingan. Akala niya satisfied na ito sa pagtatalik nila, ngunit hindi pa rin siya tinantanan ni Liam James kagabi! Kahit pa naroon sa kwarto nila ang dalawang anak nila. Pina