KABANATA 36: RIX POINT OF VIEW: ISANG LINGGO MATAPOS ANG NANGYARI, pumayag na rin si Sixto na makipagkita ako kay Denzel, sa wakas. Ilang beses ko siyang pinakiusapan na sana ay mapuntahan ko na si Denzel dahil magmula nang mangyari ang lahat ng iyon, puro balita na lamang sa telebisyon ang mga nalalaman ko. Nag-aalala ako sa kaniya, kahit pa nagpaparamdam pa rin naman siya sa akin kahit na papaano. Tinitext ako ni Denzel, pero puro bati lang katulad ng, 'good morning', 'kain ka na', 'matulog ka na' lang ang sinasabi niya. Pinapatay niya ang mga tawag ko sa tuwing susubukan ko at hindi rin siya sumasagot kapag nagreply na ako sa text. Para bang nanlalamig na siya sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Ang totoo, nag-aalala na ako sa posibleng nangyayari sa kaniya. Kasi baka stressed na

