KABANATA 27: ISANG BUWAN NA ANG NAKALIPAS pero hindi pa rin umuusad ang kaso. Walang mahanap na matibay na ebidensya ang mga pulis na mas lalong magpapadiin kay Denzel pero kahit na gano'n, hindi pa rin siya pinalalabas sa kulungan dahil siya lang ang main suspect. Nagsisimula na akong maniwala na hindi talaga siya ang pumatay kay mama pero sa kabilang banda, naiisip kong baka naman totoong magaling lang siyang magtago. Dahil hindi ako makahanap ng ibang trabaho, bumalik ako sa restobar kahit na ayaw ni Sixto. Kamuntik pa kaming mag-away pero nang sinabi kong mas lalo lang akong nalulungkot na palagi akong nakakulong sa loob ng bahay ay pumayag na rin siya. Noon pa man hirap na akong maghanap ng trabaho lalo na at hindi naman ako nakapagtapos ng kolehiyo at ganitong klaseng trabaho ang t

