KABANATA 30: THIRD PERSON POINT OF VIEW: HALOS HINDI MAGKANDAUGAGA ANG MGA pulis nang may tumawag sa kanila mula sa hospital at nagsabing nasagasaan daw si Denzel Valerio sa Appleville Subdivision kung saan nakatira si Sixto. Kasama si Lieutenant Tolledo, Detective Arellano at ang dalawa pang pulis na back up nila ay nagtungo na sila sa hospital. "Sa oras na mahuli na natin ulit si Denzel Valerio, kailangang hindi na niya tayo matakasan. Nasisira ang pangalan natin dahil sa hinayupak na 'yon," ani Lieutenant Tolledo. Wala namang naisagot ang mga kasamahan niyang pulis kundi ang sumang-ayon sa kaniya dahil siya ang namumuno sa kaso ni Denzel Valerio. Bagamat medyo alanganin si Arellano sa paniniwala ni Tolledo, sumusunod pa rin siya rito. Ang totoo kasi ay matapos ang ilang beses na pag

