KABANATA 40 PAGOD NA IDINILAT KO ang mga mata ko nang magising ako dahil sa malakas na pag-iyak ni Nini. Nakakainis na hanggang ngayon ay iyakin pa rin ang batang ito kahit na ang laki na. Akala ko pa naman sanggol lang ang umiiyak nang ganito kaaga pero ang anak ni Nena at Sixto, grabe, anim na taong gulang na pero hanggang ngayon ang ingay pa rin! Kung minsan gigising ng madaling araw para mambulahaw sa aming lahat. Kaagad na bumangon ako sa higaan kahit na masakit pa ang ulo ko dahil sa pagpupuyat. Ang hirap maging estudyante at part-time worker at the same time pero kinaya ko naman ng halos limang taon. Mabuti nga at sinasagot na ni Sixto ang ibang gastusin ko sa eskwelahan dahil kung hindi baka hindi ko kayanin. Ipinangako ko sa kaniya na babayaran ko siya makatapos lang talaga ako

