KABANATA 10: THIRD PERSON POINT OF VIEW: "PAPA! ANO BANG NASA isip mo at ki-nontact mo ulit iyang si Denzel? Huwag mong sabihin na hanggang ngayon e, umaasa ka pa ring tatanggapin niya ang gusto mo? Papa! Hindi mo maaasahang mamahala ng isang buong kumpanya ang isang taong napipilitan lang!" galit na sigaw ni Evangeline, kapatid ng papa ni Denzel. Pinaikot ng matandang C.E.O ang kaniyang swivel chair paharap sa naghuhurumintado niyang anak. Bumungad sa kaniya ang kaparehong pares ng mga mata niya. Sa mga anak niya, si Evangeline ang pinaka-kamukha niya. Ngunit hindi katulad niya, alam niyang salungat ang ugali nito, agresibo ang bunso niyang anak. Kakaiba rin ito kung mag-isip at masyado ring makasali. Hindi niya nagugustuhan ang tabas ng dila nito pero sinusubukan niya pa ring kumalma