Naramdaman ko ang lambot ng sofa sa aking likod. Pumaibabaw siya sa akin na nagpaparte sa mga hita ko. Nagpatuloy ang aming halikan na unti-unting naging mapusok. Malalim at mariin. Pumalibot ang mga braso ko sa kanyang leeg at batok. Ilang sandali ay bumaba ang kanyang mga halik sa aking panga at leeg. Binaba niya ang strap ng aking dress para mas lalo akong mahalikan doon. Pikit ang aking mga mata habang nagpapadala sa init na nararamdaman. Hindi ko napigilan ang pagkawala ng isang ungol sa aking mga labi nang bumaba pa ang kanyang mga labi sa dibdib ko. Pilit niyang binaba ang aking dress. Gumapang ang isa niyang kamay paloob hanggang sa matagpuan nito ang aking underwear. Sumunod ang isa pa niyang kamay at nagsimula itong ibaba... Sobrang bilis na ng pintig ng puso ko at halos habu