March 05, Puno ng antisipasyon ang bawat isa sa mga participants na nakaalam ng tungkol sa natanggap na sulat. Hindi nila alam kung ano ang maaring mangyari mamaya subalit hinahanda nila ang kanilang sarili para roon. Alam nilang kung sakali na may darating para sila ay palayain ay hindi magigiing madali para sa taong yaon ang gagawin. Kung kaya naman inipon nila ang kani-kanilang lakas ng sa gayon ay kung magkakaroon nang ano maang endulto mamaya ay makatutulong sila at makalalaban para sa kani-kanilang kapakanan. Napakatahimik ng umaga na nagdaan sa kanila na kahit yata kaluskos o tunog ng plato na kinakainan ay hindi maririnig sa grupo ng mga participants na si Jiro, Gio, Mylene, Zena at ang dalawa pa sa EXT na si Del at Clarissa. Ilang araw na rin na kasama ng mga ito ang dalag