S2 Chapter 37

1204 Words

Hindi ako makahuma. Gulat ang aking sistema at hindi alam kung ano ang maaring gawin. Nagsimulang manginig ang aking kamay hanggang sa sumunod ang tuhod ko. Nawalan iyon ng lakas. Ang kape na hawak ko ay bumagsak kasabay ng pagbagsak ko. Hindi ko na namalayan kung natapunan ko ba ng kapeng mainit si Kuya Gio. "Riva!" dinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ngunit hindi ko alam kung paano mag-aangat ng tingin. Ang tangi ko lamang nararamdaman ay paninikip ng dibdib at ang takot na unti-unting lumulukob sa akin. Dumarami ang ingay. Halo-halo iyon ngunit isa ang pinakamalinaw ang boses ng tao na siyang itinuturing kong demonyo. Hindi natitigil ang pagtawa niya. Umaalingawngaw iyon sa isip ko. Oscar Lee. The man who brought us to hell. "Riva! What happened?" Hinahabol kong pilit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD