Kabanata 40

2029 Words

Nang sambitin ko iyon ay siyang huling mga salita na narinig sa loob ng sasakyan sapagkat hindi na ako nakatanggap pa ng sagot sa kaniya. Hinayaan niya lamang akong umiyak doon na isa namang malaking tulong dahil gusto ko lamang ilabas ang sama ng loob ko sa pangyayaring nagaganap. Ilang oras kami sa byahe at saka napiling huminto muli sa may isang lugar na liblib pa rin. Alam kong maya maya lamang ay posibleng susulpot na naman muli sila. Gusto ko sana na iwanan ang sasakyan sapagkat baka naroon ang tracking device ngunit kung gagawin naman namin iyon, wala kaming magagamit. Hindi sapat ang aming pera upang mamili ng panibago. Hindi ko na lamang isinaboses ang nasa isip. Bagkus, sa paghinto namin upang kahit papaano ay makapagpahinga, dali dali kong dinampot ang folders at envelope at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD