I keep on tapping the screen of my phone, waiting for it to light up that indicates the sender's replies but it still didn't. Minuto na ang nakalilipas ay wala pa rin. Binuksan ko muli ang phone, binalikan ang chat ngunit hindi man lamang na-seen ang huling mensahe ko sa sender. Who could it be? I am asking if it is wrong send pero alam ko rin sa hinagap ko na hindi. Malakas ang kutob ko na may nais iparating sa akin ang sender ngunit ano iyon? Isa pa. . . pinipilit ko pa rin na alalahanin kung saan ko nakita ang babae sa video. Pamilyar talaga siya sa akin at hindi ko lang alam kung saan kami nagka-panagpo. Doon umiikot ang aking isip na hindi ko na namalayan na dumating na pala si Kuya Gio at si Viro. Nakuha lamang ang aking atensyon nang bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok si Viro