"You received a call from him?" tanong ko. Pareho kaming tulala sa may labas, naka-upo sa hood ng sasakyan at malalim ang iniisip, partikular na ako na hindi lubos na maunawaan kung paano siya nakontak ng lalaking iyon. "He won't bother us as long as we won't interfere with his business." matipid na sambit ni Viro. Naka-awang ang aking bibig at hindi alam ano ang tamang reaksyon na ibigay sa kaniya. "Vi... Are we going to play dumb and coward?" halos pabulong at nahihirapan ko na ring tanong. I don't understand! Bakit? Paano nalaman ng tao na iyon na nagsasagawa kami ng imbestigasyon at higit sa lahat, paano niya nalaman ang number ni Viro? Hindi kaya nahuli na niya ang sender? Iyong tumatawag at nagbibigay sa amin ng impormasyon at kaalaman sa tunay na kalagayan ni