March 06. 2:34 AM. Madaling araw na subalit gising na gising pa rin ang kalahati ng populasyon ng tao sa loob ng Hospital. Karamihan sa mga nakatulog na ay ang mga kabataan samantalang ang iilan ay bukas na bukas pa rin ang mga mata at binabalikan ang mga pangyayaring naganap sa gabing yaon. Ang ilan sa kanila ay hindi makapaniwalang sila ay nakalaya na sa kulungan na matagal nang nagpapahirap sa kanila. Dilat na dilat ang mata, matatalas na pandinig, malakas na pakiramdam, tinatangi nila iyon sa mga oras na nagdaraan. Aminado sa pagiging kabado na baka isa sa mga Doctor o Nurse na umaasikaso sa kanila ay bahagi ng organisasyon. Nakatatak sa isipan na hindi na muling papayag pang muling mapasailalim ng kanilang mga kamay. Sa kabilang banda, gising ang mga mata ngunit hindi ang diwa