Viro and I made a decision and that is to do everything so that right after ay pwede na kaming bumalik sa dati naming buhay na walang iniisip o pinproblema na tulad ng ganito. Noong lumabas kami upang kumain ng hapunan, dama ko ang mga tingin nila sa amin. Marahil sila ay kuryuso pa rin sa nasaksihan kanina at sa tingin ko ay lalo pa iyong lumala noong makita na halos ayos naman kaming dalawang magkapatid. “Riva, apo, ayos ka lang ba?” biglang tanong ni Lola na ikinagulat ko. Nalaman ba niya ang nangyari sa akin? “Maputla ka kasi, apo,” aniya dahilan kung bakit lumuwag ang aking paghinga. Ang akala ko ay mayroon nang nagsabi sa kaniya sa pangyayari kanina. Umiling ako at nilawakan ang ngiti. “Hindi po, La. Medyo napagod lang po sa School pero okay naman po,” sambit k