Hindi maalis alis ang tulis ng nguso ko kahit pa noong mga oras na binigyan na kami ng time ni Gum- I mean Prof. Wu na magsimula sa discussion tungkol sa isinasagawa na investigation. I wonder why him? Marami namang iba na kasama si Kuya Gio? Even the girls? Err… “Goodness! Ang gwapo ng substitute natin, Ri.” Kinikilig na sambit ni Carina na inirapan ko lang. Mula kanina ko pa naririnig iyon at nagsasawa na ako. “Listen to what they are saying. Wala kang matutunan sa pagdadal,” ani ko. Umani naman iyon ng tingin sa kaniya na tila hindi siya makapaniwala na nasabi koi yon. “Akala mo naman siya…” rinig ko pang bulong niya habang nanghahaba ang kaniyang nguso. Nailing na lamang ako at piniliit rin na making sa sinasabi ng Class President at nang iba pa naming kaklase.