Andrea Kahit ayaw ng katawan ko ay pinilit kong bumangon ng maaga para pumasok sa trabaho, pagkatapos maligo ay isinuot ko na ang aking uniporme, pinatuyo ko ng blower ang mahaba kong buhok, ni hindi ko na nakuha pang mag ayos ng mukha nagpulbo lang ako ng konti at pagkatapos ay kinuha na ang aking shoulder bag at susi ng aking kotse sa side table, lumabas ng bahay at sinugurado ko munang naka lock ng maayos ang pinto ng aking condo bago ako bumaba ng building para tunguhin sa parking ang aking sasakyan. Simula ng ibinalik ni Dylan ang condo ko sa akin ay hindi na muna ako umuwi sa aking apartment balak kong magpaalam na sa may ari kahit medyo malayo ang condo ko sa REDISH ay may sarili naman akong sasakyan hindi ko na kailangang mangupahan at mas convenient ito para sa akin hindi ko na k