Andrea Napapikit na lang ako ng biglang inilapit ni Ferdz ang kanyang mukha sa akin at pagsumpungin ang aming mga labi, isang banayad na halik ang ginawad nito sa akin. Napako ako sa aking kinatatayuan, hindi ko alam kung paano re-responde sa mga halik niyang iyon, nanatili lang nakatikom ang aking labi ng tangkain ng dila niyang pasukin ang aking bibig ngunit hindi ko siya hinayaan matagumpay, gustong-gusto ng katawan ko na siya ay papasukin ngunit pinipigilan ito ng aking utak at idinidikta niyon sa akin na hindi tama ang ginagawa namin. Pareho kaming napakislot ng bigla nalang tumunog ang elevator hudyat na nasa sixth floor na kami. Nag aalangang tumigil si Ferdz sa kanyang ginagawa na pag halik sa akin. Ngunit bago ilayo ang kanyang mukha sa akin ay ginawaran ako nito ng mabilis na