Matapos kumain ang apat na pares ay napagdesisyunan nilang sa veranda na lang tumambay, may malawak itong espasyo at dito madalas tumatanggap ng bisita si Dylan. May wooden sofa na kasya ang sampung katao sa haba, meron ding dalawang lounge chair na pwede ka ng komportableng mahiga at may malaking center table sa gitna. Ng makapuwesto na ng upo ang lahat sa mahabang sofa maya-maya lang ay may tatlong kasambahay na dumating galing sa likod na may bitbit na mga alak at baso, yelo at pica pica food. Nakaramdam ng kaba si Andrea, mukhang babaha ng alak ngayong gabi. "There's nothing to worry kung malasing kayo, maraming kwarto sa itaas," ang sabi ni Dylan ng mafkatinginan ang lahat sa dami ng imported wine na ipinalabas nito. "Just give us beer, we're okay with it, right girls?" Baling na