11 YEARS LATER... "Where's Gray, honey?" Natigilan si Madison sa pagtingin sa hawak niyang cellphone nang marinig niya ang boses ng kaniyang asawa. She instantly turned off her phone and looked at Grayson. Nakatayo na ito sa harapan niya. "Hindi ko nga alam, e. I tried to call your son pero hindi naman siya sumasagot. Nasubukan mo na bang tawagan?" nag-aalala niyang turan saka tumayo at hinalikan si Grayson sa mga labi nito. "Akin na iyang bag mo. Umupo ka muna, you look exhausted." Ibinigay naman nito ang bag na hawak. Nang mapasakamay niya iyon, ipinatong niya iyon sa center table samantalang si Grayson naman ay umupo sa pinag-alisan niya. She took a deep sigh and sat beside her husband. "It's Saturday, he should be in here." "Iyon nga, e. Kaya nga kinontak kita kanina dahil nawala