KINABUKASAN, MAAGANG NAGISING si Madison dahil gusto niyang siya ang magluluto ng umagahan ng mag-ama niya. Mahimbing pa ring natutulog ang dalawa, nakadantay ang isang hita ni Gray kay Grayson. Napangiti na lang siya at umalis na sa higaan. Inaantok siya naglakad patungo sa banyo para maligo. Before that, she brushed her teeth first then went in the shower area. Mabilis lang siyang naligo dahil maliligo pa rin naman siya mamaya. Nagpatuyo na siya ng katawan at nakatapis lang ng tuwalyang lumabas ng banyo. Tulog pa rin ang dalawa kaya hindi niya kailangang mabahala. Tinungo na niya ang closet niya at kumuha roon ng isang panty. Malakas ang loob niyang alisin ang tuwalya dahil tulog pa naman sina Gray at Grayson. Ang tuwalya niya ay nakasuksok sa damitan. Nagsimula na niyang isuot ang kaniy