MADISON IS BUSY washing her own clothes. Nakasanayan na niyang maglaba ng sariling damit dahil ayaw niyang madagdagan ang trabaho ng mama niya. Hindi naman siya masamang anak at concern pa rin siya sa mga magulang niya lalo na't patanda na ang mga ito.
"Ate Madison, may tumatawag sa iyo, o."
Napabaling na lang siya sa nagsalita at nakita niya ang kapatid niyang bunso na papalapit sa posisyon niya habang hawak nito ang cellphone niya. She furrowed her forehead. Nang makalapit ang kapatid niya, inabot nito ang cellphone niya. Pero bago niya iyon kinuha, nagpunas muna siya ng kamay saka kinuha iyon. When she saw who's calling, it's unregistered number. Sino naman kaya ito? Without futher ado, she answered it and put on her right ear.
"Hello," panimula niya.
"Is this Madison Montereal?" tanong ng isang lalaking boses.
Ayaw niyang mag-assume. But the voice seems familiar to her. She thinks, she already heard that before at hindi niya lang matandaan. Napailing siya at tumayo mula sa kinauupuan.
"Yes, I am Madison Montereal. Who are you? Where did you get my number?"
"Wait, did you ask where did I get your number?" The caller sounds irritated. "You wrote it, didn't you?" anito na ikinakunot ng noo niya.
"Where did I write my number? Saan? Wala akong maalalang may isinulat akong number ko. Can you enlighten me? I'm confused. Sino ka? Paano mo nalaman ang number at pangalan ko?" sunod-sunod niyang tanong sa kabilang linya.
Kailangan niya ng sagot dito. Hindi niya ito papalampasin. She's strict after all.
"In your application form, Ms. Montereal. Hindi mo alam na nag-apply ka as a babysitter of a seven-year-old child?" The man in the next line laughed that made her rolled her eyes.
Application form? Anong sinasabi nito? She never applied as a babysitter. Ngunit bigla siyang natigilan ng mga sandaling iyon. Nasapo niya ang kaniyang bibig nang maalala ang nangyari kahapon. Sa pagkakaalam niya, may in-apply-an siya. Ito na kaya iyon? Bakit siya tinawagan? Pasa na ba siya? Tanggap na ba siya? Bago pa man siya mabaliw kakatanong sa sarili, nagsalita na siya.
"Are you the father of the child?" tanong niya.
"Yes, I am," may pagmamalaking sagot nito.
"Oh, ahm... alam ko na pala." She smiled. "So, where can I start to babysit your son?" tanong niya kapagkuwan.
"Now, Ms. Montereal. Gusto ko nandito ka na within 30 minutes. If not, I'll replace you. I'll send you the address of my home. I'll wait you. Just be there in half of an hour. Did you get me, Ms. Montereal?" ani nito na mukhang ayaw nang makipag-usap sa kaniya.
''Sige, I'll be there. By the way, who are y—"
The line died.
Ang sungit naman ng lalaking iyon. Gusto lang naman niyang tanungin ang pangalan nito. Napailing na lamang siya at ibinaba ang cellphone saka nagpatiuna na papasok ng kanilang bahay. As she entered, she saw her mother watching television.
"Ma, natanggap na po ako," masaya niyang saad habang malapad ang ngiti sa mga labi.
"Saan naman, anak?"
"Ma." Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito. "Nag-apply po ako bilang babysitter kahapon at natanggap po ako," masaya niyang imporma sa ina.
Nanlaki ang mga mata ng mama niya. "Talaga ba, anak? Diyos ko, malaking tulong ito sa atin," nakangiting sabi nito at sinapo ang kamay niya. "Congrats, anak! Pasensya na kung inaasahan kita, ha? Gustuhin ko mang magtrabaho, hindi ko na talaga kaya."
Ngumiti siya. "Mama, hindi. Huwag po kayong humingi ng pasensya sa akin. Actually, I'm happy right now. Akala ko kasi hindi legit iyon. Tapos ayon, tumawag na iyong tatay ng aalagaan ko. Sige na po, kailangan ko na pong magbihis at naghihintay po iyon sa akin." Hinalikan niya ang pisngi ng mama niya at nagpatiuna na patungo sa kuwarto niya.
Naghubad siya ng kaniyang mga suot at nagtungo sa banyo. Nang matapos, nakatapis ang katawan niyang bumalik sa kuwarto. Simple lang ang suot niya. Jeans na pinarisan niya ng kulay asul na t-shirt at kulay puting sapatos. Sa ganoong suot, kuntento na siya. Matapos magbihis, kumuha siya ng hindi naman kalakihang bag at naglagay doon ng ilang mga damit na susuutin niya. Kaunti lang muna ang dadalhin niya dahil baka makauwi siya. O baka uwian siya. Kasi kung hindi siya uuwi at mananatili, hindi na babysitter ang tawag sa kaniya, kundi yaya na. Hindi niya pinangarap ang maging yaya, mas ayos pang maging babysitter. Napailing siya't naglakad na palabas ng kuwarto niya dala ang bag.
"Mama, aalis na po ako," saad niya sa mama niyang nasa harap pa rin ng telebisyon.
"Sige, anak. Mag-ingat ka roon, ha? Ako na ang magsasabi sa papa mo. Mukhang nasa kapitbahay na naman at nag-iinom. Ingat ka, Madison."
Tumango lang siya at humalik sa pisngi nito bago lumabas ng kanilang bahay. Sakto namang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng jeans niyang suot. Kaagad niya iyong kinuha. Isang mensahe ang galing sa isang pamilyar na numero. Walang iba kundi ang numerong tumawag sa kaniya kanina. Binuksan niya iyon at nakita niyang address ang nakalakip sa mensaheng iyon. Pero bigla na lamang siyang natigilan nang mabasa ang address. Sa dulo, may nabasa siyang kilalang apelyido. Montevilla's Village— apelyido ni Grayson Montevilla.
Napaisip siya. Hindi lang naman si Grayson ang nakatira sa naturang village. Sa pagkakaalam niya, pati ang mga relative ni Grayson ay nakatira sa village kaya naman baka isa sa mga iyon ang magiging amo niya. Napabuga na lang siya ng hangin sa bibig at naglakad patungo sa sakayan ng tricycle.
"Mukhang may pupuntahan ang dalagita, a. Saan ang punta mo, Madison?" tanong kaagad ni Manong Obet— ang tricycle driver na palagi niyang sinasakyan noong nagtatrabaho pa siya bilang sekretarya.
"Opo, Manong Obet. May trabaho na po ulit ako, e. Pahatid naman po sa Montevilla's Village," aniya saka pumasok sa loob ng tricycle ng matanda.
"Sige, hija." Pumadyak ito ng ilang beses bago pinaandar ang tricycle.
Napahinga na lang siya nang malalim ng mga sandaling iyon saka kinuha ang cellphone sa kaniyang bulsa. She went on her contact list and find Gladyz's number. Gladyz is her bestfriend. When she already found it, she instantly clicked it.
"What the hell are you calling?" galit na tanong nito na sinundan ng paghagalpak ng tawa. "Char lang oy. Bakit ka nga ba napatawag, ha? I'm busy here, you know?"
"I know." She sighed. "I just want to inform you that I already have a work again," may pagmamalaki niyang wika sa kaibigan.
"E 'di mag-asawa ka," Gladyz jokingly said and followed it by laughing like there's no coming tomorrow.
Gaga! Ano namang koneksyon ng dalawang iyon? Yeah, she has a new work, but it doesn't mean she will find a man to be her husband. She's just 26 at ang plano niya talaga ay 30 siya mag-aasawa. Hindi siya gagaya sa iba na bata pa lang sa edad niya ngayon ay kasal na. Inaamin niya, nabuntis siya ng maaga. 19 siya nang mabuntis siya ni Grayson. 21 nang ibinigay ng mama niya ang anak niya sa ama nito. She loves her son, she misses him too. What if dumating ang panahon na magkikita sila? Makikilala pa kaya siya nito? Hindi niya mapigilan ang maluha. It looks like she's regretting it all. Na sana'y hindi na niya ipinabigay ang lumabas sa sinapupunan niya. She can't help but cry. Ganito pala ang pakiramdam nang nauulila.
"Hoy, Madison. Nandiyan ka pa ba?"
Natigilan na lang siya nang marinig ang boses ni Gladyz.
"I'm here. Mamaya na tayo mag-usap," aniya at hindi na hinintay pang tumugon ang kaibigan— she ended the line without any hesitation.
Tahimik niyang pinunsan ang mga mata niya saka bumaling sa kapaligiran niya. Malas! Trapik pa. It can't be. She only has 30 minutes.
"Wala po bang shortcut, Manong Obet?" naiinis niyang tanong at sunod-sunod na nagkamot ng ulo.
"Pasensya ka na, pero wala nang ibang daan. Ito lang ang daan patungo sa village na sinasabi mo," sagot ng matanda.
Paano na ito? Kung magpapatuloy pa rin ang trapik, malamang sa malamang ay mamaya pa siya makakarating. Nakakainis naman, o! Ang malas naman niya. Kahit na bawal, lumabas siya sa tricycle. Alam niyang malayo pa ang pupuntahan niya... pero trapik talaga. Animo'y estatwa ang mga sasakyan.
"Sakay ka na, Madison."
Sino iyon? Naiiling niyang binalingan ang nagsalita at mula sa likuran niya, nakita niya roon ang lalaking kinaiinisan niya, si Paulo. Nakahalumbaba ito sa single nito.
"At bakit naman ako sasakay sa iyo?" Pumamewang siya. "Neknek mo!" Binelatan niya pa ito saka pinalig ang katawan sa harap niya.
"Ang arte mo naman, Madison. Ikaw na nga ito pinapasakay. Ayaw mo ba? Bahala ka, kaya kong sumingit dahil naka-motor lang ako," wika ni Paulo na namalayan niyang nasa tabi niya.
Aaminin niya, marupok siya. Pero sa kaso ngayon, pipilitin niyang hindi maging marupok. Paulos' words seduced her brain. Iniisip niya kung sasakay ba siya o hindi. May magandang maidudulot ang pagsakay niya rito at iyon ay makakarating siya kaagad sa kaniyang paroroonan.
Pumikit siya at kalaunan ay mumulat din. Kinuyom niya ang kaniyang kamao saka humarap kay Paulo. "Papasakayin mo talaga ako?" pagkakalaro niya at baka nililinlang lang siya ng gago.
"Oo! Ano pang ginagawa mo riyan? Sakay ka na."
Napairap siya at sumakay sa likod ni Paulo. Her brain knows her limit. Hindi siya dumikit sa likod ni Paulo dahil nadidiri siya. If he didn't offer her, then she would wait until the traffic goes normal. Napailing na lang siya nang iabot nito ang isang helmet. Sinuot niya iyon kapagkuwan ay biglang umandar ang motor dahilan para mapayakap siya kay Paulo.
"What are you doing, Paulo?" galit niyang tanong habang nakayakap pa rin dito.
"Nagmamameho. Huwag ka nang mahiya, Madison. Huwag mong bigyang malisya itong ginagawa ko. Tinutulungan lang naman kita, e."
"Fine!" madiin niyang wika.
Umiling lang si Paulo. Infairness, mabango ang gago. Minaneho na nga nito ang motor at sumingit. Sana'y hindi sila mahuli ng mga pulis dahil sa pagkakaalam niya'y hindi ito puwedeng gawin. Napapikit na lang siya ng mga oras na iyon. It's awkward. Niyayakap niya ang lalaking b-in-usted niya.
Mayamaya pa ay naramdaman niyang bumilis na ang pagmamaneho ni Paulo. Nang buksan niya ang kaniyang mga mata, nakita niyang wala nang trapik. Thank God, makakarating siya sa pupuntahan niya. Hindi man niya masabi ngunit malaki ang utang na loob niya kay Paulo. Ngayon lang yata ito naging mabuti sa kaniya.
"Saan nga pala kita ihahatid, Madison?" tanong nito habang abala sa pagmamaneho.
"Sa Montevilla's Village," tipid niyang sagot.
"Anong gagawin mo roon?"
"Wala, may pupuntahan lang akong kaibigan," pagsisinungaling niya.
Wala na siyang narinig na tugon kay Paulo. Naging tahimik ang pagitan nila ng mga oras na iyon. Habang siya'y hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap sa lalaki. Aba, mas pipiliin niyang yumakap kay Paulo kaysa naman bumaligtad siya. Hindi naman big deal itong ginagawa niya dahil alam niyang wala ito kay Paulo dahil sabi nga nito, may girlfriend na siya. Sana'y hindi masira ang relasyon nang dalawa ng dahil lang sa kaniya.
Ilang minuto pa ang nakalipas, namataan na lang niyang nasa gate na sila ng Montevilla's Village. Itinigil ni Paulo ang motor sa harap kaya naman bumaba siya kaagad. Hinubad niya ang helmet at inabot dito.
"Salamat nga pala sa paghatid sa akin dito, Paulo. Oo nga pala, dapat ba akong magbayad?"
Ngumiti ito. "Hindi mo na kailangang magbayad, Madison. May isa lang akong hiling."
Bigla siyang kinabahan. Bakit pakiramdam niya'y hindi maganda ang hiling nito?
"Ano iyon?"
"Halikan mo ako," walang pakundangang ani nito.
Dahil sa gulat, naihampas niya rito ang hawak niyang bag. "Neknek mo, Paulo. Akala ko nagbago ka na pero hindi pa pala. Tse, salamat na lang. Bye!" Inirapan niya ito bago tumalikod na.
Sumakay lang siya pero halik kaagad ang bayad? At sino siya para magpahalik sa kumag na iyon? Sunod-sunod siyang napairap at lumapit sa guard na nasa gate.
"Magandang umaga po. Ahm, ako nga po pala si Madison Montereal. Ako po iyong ma—"
"Madison Montereal?" tanong ng guwardya.
"O-Opo... bakit po?" naguguluhan niyang tanong dito.
Hindi siya sinagot ng guwardya bagkus ay tumalikod ito at sumipol. Nang tingnan niya iyon, may nakita siyang isang lalaki na may katandaan na ang papalapit sa kanila. Nang makalapit ito, umakbay dito ang guwardya.
"Ito na iyong babaeng pinapasundo ni Sir. Grayson. Madison daw ang pangalan," ani guwardya na ikinamulagat niya.
Sir. Grayson?
"Ah, tara na, hija. Ihahatid na kita sa bahay ni Sir. Grayson at naghihintay na siya sa iyo. Akin na iyang bag mo." Kinuha ng matanda ang bag niya na hindi na napigilan pa. "Halika, sumunod ka sa akin," sambit nito saka naglakad na.
Napa-anga na lang siya. Unti-unti siyang kinabahan. Pero kahit ganoon, sumunod pa rin siya sa matanda. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto sa back seat. Napailing siyang pumasok na sa loob. Pumasok na rin ang matanda't pinaandar na ang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Si Grayson ang nakausap niya kanina. Ngayon lamang niya ulit ito makikita sa personal, matagal na panahon na niyang hindi nakikita ito sa malapitan. Pero hindi pa rin niya mapigilan ang mag-isip. Hindi lang naman si Grayson ang tao sa mundo, hindi ba?
Mayamaya pa ay tumigil na ang kotse sa harap ng isang malaking bahay. Hindi niya mapigilan ang mapalunok. The house is huge— very huge. Lumabas na siya sa kotse at humarap sa bahay. It's a two-story house yet elegant.
"Halika na, hija," wika ng kakababa lang na matanda.
"Sige po, s-susunod na lang po ako," kakaba-kaba niyang saad dito.
Umuna na nga ang matanda kaya naman sumunod siya. Habang naglalakad, unti-unting tumatambol ang dibdib niya. Umaasa siya na hindi ito ang Grayson na kilala niya. When they entered the house, she was amazed. Ang ganda ng bahay. Nakatingala siya habang naglalakad. Mayaman, mayaman ang may-ari nito. Sana lahat!
"You're two minutes late, Ms. Montereal."
Natigilan na lang siya nang marinig ang baritonong boses na iyon. Itinuwid niya ang kaniyang mukha at bahagya siyang napaatras sa nakita. It can't be. Hindi siya maaaring magkamali. There's a man standing in front of her. The man who devirginized her. The man who made her pregnant. Ang lalaking naka-one-night stand niya sa tabing-dagat. It's Grayson— Grayson Montevilla.