Chapter 112 Jeisen Jee POV Ang itsura ni Attorney Zarte ang una kong napansin. Hindi ko alam kong galit ito o hindi. Alam kong hindi niya ako maalala. Naka disguise kasi ako nung magkasama kami ni Attorney Amil. Iba itsura ko ngayon. Lumapit sa akin ang mommy ni seb. I know that it's her mom, tisay kasi ito. Kamukha ni seb. Lalo na ang mata nito. "Hija, are you--?" "Ah mommy, I invited her. Jeisen," tawag ni seb sa akin at iginiya ako sa upuan. May mga pagkain na nasa mesa. Naglaway tuloy ako. Ang daming handa. "I'm sorry everyone, I would like to introduce to you my girl. Her name is Jeisen Jee." Glad that seb didn't mention my last name. Baka may maalala si Attorney Zarte or kung sino man sa kanila. Pero mas kilala ang Bireo kaysa sa Escintosh. Lalo na sa pag aabogasya.

