Chapter 90 Sebastian POV Ang lakas makatangina naman oh! Ba't ko ba kasi sinabi ko kay Jeisen 'yon? Kung tutuusin nga ay ang nanguna na ganung klaseng laro ay ang grupo ng Business College. Tinapatan lang ni Jeisen ang ginawa nila. Ang impulsive ko kasi. Naunahan pa ako ng na-abnoy na 'yon. Pero 'yong nakita kong nangyari kanina. Naninibago ako. Ibang-iba kasi ito. Ang kilala kong Lin ay mahinhin at malambing. Hindi 'yong kagaya kanina. Tinitigan ko siya habang nakahiga sa higaan dito sa clinic. Pulang-pula ang mukha niya. Sabog din ang buhok nito. May lihim ka rin ba kagaya ni Jeisen, Lin? "Dude, in-love lang ang titig ah," mahinang kantyaw sa 'kin ni Mike. "Gagong 'to!" sabi ko naman. "May mga tanong lang akong naiisip, dude. Basta!" "Naks, Seb dude. Iba kana. Nag-iisip na 'yo

