Chapter 104 Jeise Jee POV Ito talagang si Ares. Pabagal sa pupuntahan ko. Kung may itatanong sana siya, dapat itanong na niya agad. Hindi yung magtatanong kung pwede bang magtanong. "Hindi pwede," sagot ko. "Thena naman," angal nito. "Kung magtatanong ka, magtanong kana. Hindi yung pabitin pa." "Alright. May.. may sinabi ba sa 'yo si Aphro tungkol sa 'kin? I mean, kinwento." Langya. Si Aphro lang pala ang itatanong. Nagpaligoy ligoy pa. Pero ba't niya kaya natanong ang pinsan kong iyon? Ang alam ko nagkakamabutihan na ang dalawa pero dahil iba ang batas ng Kampo. Bawal sila. "Wala." "Ganun ba?" Iiling-iling akong pinaharurot ang Big Bike ko. Wala akong mapapala kay Ares. Kung gusto niya kausapin pinsan ko edi tawagan niya. Simple lang naman. Pagkarating ko sa Party Village, un

