Chapter 100 Jeisen Jee POV Mag-aalas dos na ng umaga at katatapos lang namin sa misyon namin. Pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod. Parang.. gusto ko pang pumatay. Gusto kong ubusin na sila. Mapahilot ako sa may parte ng leeg ko. Nanlalamig na naman kasi ito. Ganito ako kapag may pinanggigilan. "May tamang oras para sa inyo," mahina kong sabi habang paangkas ng Big Bike. I'm wearing black latex wet leather bodysuit. I love Batman but I look like Catwoman now. Pero mas bagay ito kay Aestus. Maiksi kasi buhok niya. Mas komportable tingnan sa kanya. Nasa gilid ko lang ito. Pati ang ibang Guardians. "Hindi ka muna babalik sa Kampo, Thena?" tanong niya sa 'kin. Naka angkas na rin ito sa Big Bike niya. "May pupuntahan lang ako saglit." "Hey, bitches! Mauna na ako," sigaw ni Aphr

