Chapter 102 - No Ordinary

2420 Words

Chapter 102 Jeisen Jee POV Hindi ko alam ba't bigla nalang tumulo ang luha ko habang hawak-hawak ako ni Seb. Hindi naman ako ganito. Nasanay na akong magtago ng emosyon ko. Kahit nasasaktan na ako, alam ko kung pa'no ito itago. Alam ko kung pa'no ang maging walang pakialam. May iilang studyante na napapatingin sa amin. May kumukuha pa ng litrato. Pinahid ko ang luha ko. "Jeisen, humawak ka sa 'kin." Napapitlag ako ng inaangat na pala ako ni Seb paakyat sa malaking puno. Ang lakas ni Seb. Mas lumakas ata siya ngayon o sadyang malakas na talaga siya. Pwede ring 'di ko napansin ito. Halos kinakarga na kasi niya ako na parang papel lang na sobrang gaan. Humawak ako sa may sanga para makabalanse. Kaya ko naman umakyat ng walang tulong niya. Lagi ba naman ako sa malaking puno na ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD