Chapter 98 Jeisen Jee POV Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko muling makikita si Mommy Char. Ang unang kita at kilala namin ay dito rin sa morgue. Ngayon, dito rin pala ang huli. Baka seguro hindi magandang suotin ang lutos feet na costume na siyang paborito niya. Masamang Chi... sabi nga niya. Tahimik lang akong nakatingin sa puting tela na nakatabing sa walang buhay na katawan nito. Kanina ko pa pinipigilang maluha. Naalala ko na naman kasi si mama. Ganitong ganito rin 'yon. Biglaan ang pagkawala niya. Pero ang kaibahan lang, sa akin ay 'di ko man lang nakasama si mama ng ganun katagal. Kina Aicel, ay nakasama pa nila. Napahawak ako sa braso ko. Bigla kasing lumamig. Sarado naman ang buong kwarto. Ang creepy talaga dito. Hindi naman ako natatakot sa multo o kung ano

