Fifty-nine "Nasa baba si Lukas." Nagtatakang natigilan ako sa akmang paghiga sa kama. Itinuro nito ang monitor kung saan nasa sala na nga si Lukas. Mukhang problemado ang bestfriend ko. "Ako na ang kakausap. Tawagan mo ang Yaya para bukas pagpunta natin kila Keia ay ready na sila." Bilin ko rito. "Okay!" dali-daling nagsuot ako ng robe at lumabas ng silid. Dumating ako sa sala na sabu-sabunot nito ang buhok nito. Halatang may malaking problema ang loko. "You looked like s**t, Lukas. Para kang gago d'yan." Sabi ko rito saka umupo sa single couch. Mugto ang mata ng bestfriend ko, helpless. "Noong nakipag-usap ako sa 'yo, gusto ko talagang sabihin na mahal kita, tinatanya ko ang nararamdaman ko. Mahal kita, dati…pero marami na pala ang nagbago. Tama ka no'ng sinabi mong itinanim ko