Thirty-nine Iniiwasan ako ni Quinn, simula nang mangyari ang incident sa pool. She's avoiding me, and always pushing me to go to Zoey. Paalis na bukas si Zoey, pero tiyak ako sa sarili ko na wala na talaga. Plano ko s'yang kausapin kapag hinatid ko na s'ya sa airport. Inis na inis ang mga kaibigan ko nang ikwento ko ang set up namin sa bahay. Ang tingin nila tuloy sa akin ay masamang lalaki. "Thank you!" maluha-luhang sabi ni Zoey na tinanggap ang bouquet na binili ko para sana kay Quinn."You're so sweet." Tumingkayad pa ito at humalik sa labi ko. Hinanap agad ng mata ko ang asawa na kanina lang ay minamanduhan ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Wala kaming usapan na ganito. Naisahan ako ng babaeng 'yon. May malamyos pang tugtugin, na nagbigay ng romantic na ambiance sa restauran