Thirty-four "Nasaan na ba si Abe?" inis na nagpapadyak ako sa harap ng mga tauhan. Nagprisinta pa akong magluto ng para sa dinner naming dalawa. Tiyak naman kasi akong hindi uuwi si Quinn gaya nang sinabi ko. "Wala po talaga kaming idea kung nasaan na si Sir!" takot na tugon ng kasambahay. "May high tech system ang bahay na ito, right? Use it!" inis na inis kong sabi sa mga ito. "Pero wala naman po kaming access, si Sir Abe lang po at si Ma'am Quinn." Tugon ng kasambahay. Masama ang naging tingin ko rito. Hindi dapat gano'n. Dapat may access din ako. "Mga walang silbi!" sigaw ko sa mga ito at inis na tinabig ang mga pagkaing hinanda ko. Basag iyong nagkalat sa sahig. Saka malakas na sumigaw. "Linisan n'yo 'yan!" malakas na sigaw ko saka nagmartsa nang paalis. Alas-11 na pero wal